Nasamsam ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region ang P3.4 na halaga ng shabu mula sa dalawang mga dealers na na-entrap sa Barangay Kauran sa Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Lunes, March 23.
Kinumpirma nitong Martes ng mga local executives at mga traditional Moro leaders na masigasig na tumutulong sa anti-narcotics campaign ng pulisya at PDEA-BARMM sa probinsya ng Maguindanao del Sir  ang pagkaaresto sa naturang entrapment operation nila Norton Salipada Saptulah, 40-anyos, at ang kanyang 43-anyos na kasabwat na si Datz Mantikayan, parehong mga residente ng Ampatuan.
Ayon kay Edgar Jubay, director ng PDEA-BARMM, agad na inaresto ng kanilang agents ang dalawang suspects matapos silang bentahan ng shabu sa isang entrapment operation sa isang lugar sa Barangay Kauran sa Ampatuan.
Ayon kay Jubay, naikasa ang naturang entrapment operation sa tulong ng ibat-ibang units ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office, ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ng mga local executives at traditional Moro leaders sa naturang bayan.
Nakunan ng mga PDEA-BARMM agents ng abot sa P3.4 million na halaga ng shabu sina Saptullah at Mantikayan, ayon sa mga kasapi ng multi-sector Ampatuan Municipal Peace and Order Council at mga officials ng Ampatuan Municipal Police Station.
Ayon kay Jubay, gagamiting ebidensya ang shabu na nakumpiska sa dalawang suspects sa paglitis sa kanila sa korte sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Share.
Exit mobile version