May diretsahang payo si Oyo Boy Sotto sa mga lalaking nagpaplanong bumuo ng sariling pamilya, lalo na pagdating sa pagbabago ng priorities matapos magpakasal.
Sa guesting nila ni Kristine Hermosa sa “House of D,” napag-usapan ang pananaw ni Oyo tungkol sa mga asawang lalaki na inuuna pa rin ang kanilang mga personal na hobby kahit may pamilya na.
“Kasi yung sinasabi ni Mama, yung kunyari mga lalaki na gustong unahin yung hobby nila… yung mga boat niyo, yung mga motor ninyo… parang dapat siguro hindi ka na muna nag-asawa,” saad ni Oyo.
Para sa aktor, bahagi ng pag-aasawa ang pagre-realign ng mga prayoridad.
Aniya, hindi dapat manatili ang dating lifestyle kung may panibagong responsibilidad nang kaakibat ang pagiging asawa at ama.
“Kasi kung ganyan ka noon bago ka ikasal, dapat nung kinasal ka magbabago yung priorities mo, diba?” paliwanag niya.
Hindi rin aniya sapat na dahilan ang pagkakaroon ng malaking pera para unahin pa rin ang mamahaling luho kaysa sa pamilya.
“I think you should still fix your priorities. Unahin mo muna [ang pamilya]. Oh tapos kung sige kung kaya mo naman talaga, marami kang pera, saka mo bilhin yung yate mo, yung mansion mo,” giit ni Oyo.
Dahil dito, umani ng papuri mula sa viewers at netizens ang pananaw ng aktor tungkol sa responsibilidad at tamang pag-prioritize sa buhay may-asawa.
====
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
