Nagambala ang operasyon ng Office of the Vice President (OVP) noong Lunes ng hapon nang makatanggap ng banta ng bomba sa pamamagitan ng text message.
Dahil dito, inilikas ang mga tauhan ng OVP patungo sa Robinsons Cybergate Plaza sa Mandaluyong City.
Agad namang rumesponde ang Explosive Ordnance Disposal team ng Mandaluyong Police upang magsagawa ng inspeksyon, ngunit walang nakitang pampasabog. Ipinagpatuloy ang operasyon ng OVP pagsapit ng 4 p.m.
Ayon sa OVP, seryosong usapin sa seguridad ang mga bomb threats at ang pagpapakalat ng pekeng banta ay may kaukulang parusa sa ilalim ng Presidential Decree No. 1727.
Samantala, nasa The Hague, Netherlands si Vice President Sara Duterte upang bisitahin ang kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nahaharap sa paglilitis sa International Criminal Court (ICC).
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman
