Bahagyang tumaas sa +29 ang net satisfaction rating ni Vice President Sara Duterte, batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa survey na isinagawa mula Marso 24 hanggang 31, 2026, 54% ng mga Pilipino ang nagsabing “satisfied” sila sa performance ng Bise Presidente, habang 25% naman ang nagsabing “dissatisfied” sila rito.

Mas mataas ito ng isang puntos kumpara sa +28 na net satisfaction rating na naitala ni Duterte noong Nobyembre 2025.

Nananatiling pinakamataas ang kanyang net satisfaction rating sa Mindanao na may +82, sinundan ng Visayas na may +36, habang kapwa nasa +5 naman ang Metro Manila at Balance Luzon.

Tumaas ang kanyang rating mula +70 sa Mindanao at 0 sa Metro Manila noong Nobyembre, ngunit bumaba mula +41 sa Visayas at +9 sa Balance Luzon.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adult respondents sa buong bansa, kabilang ang tig-300 sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao, at 600 sa Balance Luzon. 

====

Share.
Exit mobile version