Romualdez, ina ni dating House Speaker Martin Romualdez, matapos ang anim na taong pagkawala sa Forbes Philippines’ 50 Richest list.
Nasa ika-50 puwesto si Romualdez sa 2026 ranking na may tinatayang net worth na $185 milyon o humigit-kumulang P11.2 bilyon.
Huling lumabas si Romualdez sa listahan noong 2020 sa ika-43 puwesto na may tinatayang yaman na $160 milyon, bago hindi na naisama sa mga sumunod na taon.
Si Romualdez ay biyuda ng yumaong si Benjamin “Kokoy” Romualdez, dating gobernador ng Leyte at diplomat na kapatid ni dating First Lady Imelda Marcos.
Ayon sa Forbes, malaking bahagi ng kanyang yaman ay nagmula sa pagbebenta noong 2012 ng minority stake sa BDO Unibank. Mayroon din umano siyang maliit na bahagi sa Benguet Corp., ang pinakamatandang mining company sa bansa.
Inilabas ng Forbes noong Miyerkoles ang pinakabagong listahan ng 50 pinakamayayamang Pilipino para sa 2026.
=====

Share.
Exit mobile version