Hinihimok ni Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice ang kasamahang miyembro sa Liberal Party na si dating Interior secretary Mar Roxas na tumakbong presidente sa 2028 national elections.
“I’m convincing Mar Roxas to run,” sinabi ni Erice.
Idinagdag pa niya na may mga ibang tao rin ang kumukumbinsi kay Roxas na tumakbo sa nasabing posisyon.
“Sa pagkakakilala ko sa kanya, mahal niya ang bayan at hindi siya tatanggi sa tawag ng bayan,” ayon kay0 Erice nang tanungin kung bukas ba si Roxas sa posibilidad na ito.
Matatandaan na noong 2016 ay natalo si Roxas kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa presidential post.
“Alam mo ’yang si Mar Roxas, parang ’yang nanligaw, na-basted, masakit ’yung pagkaka-basted sa kanya, pero sa nangyayari sa bayan natin, dahil mahal niya ang bayan natin, abay nasasaktan ‘yan. At pag tinawag mo ’yan, lalaban siya para sa bayan,” ayon pa sa mambabatas.
Wala pang tugon ang kampo ni Roxas patungkol dito.

Share.
Exit mobile version