Hindi na ipapatawag ng House Committee on Justice ang nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte na si Ramil Madriaga dahil pagdating sa kredibilidad ng testigo ay trabaho na umano ito ng impeachment court.
Ito ang napag-alaman kay House Committee on Good Government and Public Accountability chairman at Manila Rep. Joel Chua kaya ang susunod na public appearance nito ay kapag inakyat na sa Senado ang impeachment case laban sa pangalawang pangulo para litisin.
“Opo kasi nakita naman nyio na very limited lamang ‘yung aming mga line of questioning. Kaya naniniwala kami we have already extensively act ‘yung mga clarificatory question in so far as Madriaga is concern,” ani Chua nang matanong kung hindi na ipapatawag ng komite.
Ipinaliwanag ng mambabatas na kaya ipinatawag ng komite si Madriaga ay dahil sa mosyon ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima dahil isinama impeachment complaint na kanyang inendorso ang affidavit ng umano’y bagman ni Duterte dahil sa isyu ng confidential funds.
Layon umano ng komite na panumpaan ni Madriaga ng personal sa harap ng komite ang kanyang affidavit dahil hindi isinasantabi ng mga ito na posibilidad na itanggi ang kanyang mga alegasyon pagdating sa Senate impeachment court.
Gayunpaman, sakaling may magmosyon sa mga miyembro ng komite na muling ipagawag si Madriaga ay pagbobotohan ito at limitado pa rin sa clarificatory question ang itatanong sa kanya.
Subali’t para kay Chua ay natanong na umano ang lahat ng clarificatory question sa nasabing testigo ng impeachment complaint na inendorso ni De Lima.
“In so far as credibility of the witness is concerned ‘yan po ay sa full blown trial na (sa Senado) kung saan siya ay iko-cross examine na ng mga abogado po ng depensa,” paliwanag ng mambabatas.
Magugunita na idinetalye ni Madriaga sa kanyang binasang affidavit sa impeachment proceedings laban kay Duterte kung papaano nito dinisposed ang P125 million confidential funds ng pangalawang pangulo sa loob lamang ng wala pang 24 oras noong December 2022 at kung sino-sino ang pinagbigyan nito.
Trending
- Malnutrition sa mga bata pipigilan ng NEDAC
- Madriaga ‘di na ipapatawag ng Kamara
- ‘Di pagpapamartsa sa graduation dahil may utang ipagbawal
- Toll discount sa mga pribadong sasakyan iminungkahi
- Defensor kinumpirmang ‘plan B’ si Baste Duterte sa 2028 elections
- Suplay ng langis extended sa 64 araw
- Price cap sa imported na bigas ngayon Abril
- Jake Paul balik sa boxing
