Pinalawig ng Department of Transportation (DOTr) hanggang Agosto 31, 2026 ang “Piso Fare Cashback” promo para sa mga pasahero ng LRT-2 na gumagamit ng MySSS card at RCBC debit o credit cards sa cashless fare gates.
“Dahil sa promo, piso na lang ang magiging pamasahe pagsakay ng tren, kaya makakatipid ng hanggang Php17 kada biyahe ang mga pasahero depende sa kanilang destinasyon. Pwedeng mag-avail ng promo ng hanggang walong beses sa isang araw,” ayon sa DOTr.
Inilunsad ang cashless fare payment system sa LRT-2 noong Hulyo 13, kung saan maaaring magbayad gamit ang bank cards, mobile phones, at iba pang e-wallets.
Sinabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na ang pagpapalawig ng promo ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang digitalization at gawing mas maginhawa ang pagbiyahe.
“Malaking tulong ito sa mga komyuter dahil ‘yung matitipid nilang pamasahe, pwede pa nilang magamit ngayon sa ibang bagay tulad ng pambaon sa eskwela at pambili ng pagkain o gamot,” dagdag ni Lopez.
===
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
