Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proklamasyon na highly urbanized city (HUC) na ang Naga City, ayon kay Mayor Leni Robredo.
Inanunsiyo ito ni dating Vice President Robredo nitong Miyerkoles, Mayo 27, kasabay ng ika-68 kaarawan ng yumaong dating alkalde Jesse Robredo sa kanyang museo sa Naga Civic Center, Taal Avenue.
Opisyal itong kinumpirma ni incumbent Mayor Robredo matapos umanong makatanggap ng mensahe mula sa Malacañang.
“Pinirmahan na ni Presidente si Proclamation na highly urbanized city na an Naga (Pinirmahan na ni Presidente ang Proclamation na highly urbanized City na ang Naga),” ani Robredo.
Binigyang-diin naman ng alkalde na bunga ito ng sama-samang pagsisikap ng lokal na pamahalaan.
Naunang ipinasa ng 15th Sangguniang Panlungsod ang Resolution No. 2026-078 noong Enero 27, at pormal na isinumite ang kahilingan sa Malacañang matapos maabot ng lungsod ang itinakdang income at population threshold.

Share.
Exit mobile version