Muling nakapagtala ng panibagong record sa kasaysayan ng NBA si Los Angeles star LeBron James.
Nakuha nito ang kauna-unahang manlalaro sa kasaysayanng NBA na nakaabot ng 300 postseason games.
Naitala nito sa pagsisimula ng Western Conference Semifinals nila laban sa Oklahoma City Thundeer kung saan nakuha ng 41-anyos na si James ang nasabing record.
Mayroon kasing siyam na manlalaro ng NBA na nagtala ng mahigit 200 na laro na ito ay kinabibilangan nina Derek Fisher, Tim Duncan, Robert Horry, Kareem Abdul-Jabbar, Tony Parker, Kobe Bryant, Manu Ginobili, Shquielle O’Neal at Scottie Pippen.
Mayroong average si James ng 23.3 points, 8.0 assists at 6.7 rebounds.
Siya ang nanguna sa unang round serires ng talunin nila ang Houston Rockets para muling maharap ang defending champion na Thunder.

Share.
Exit mobile version