Pormal nang nanumpa sa tungkulin bilang acting mayor ng San Pablo City, Laguna si 1st Councilor at dating Acting Vice Mayor Carmela Acebedo matapos ihatid ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kautusan ng kanyang appointment.
Inihatid nina San Pablo City DILG Director Maria Alma Barrientos at DILG Laguna Provincial Director Jay Beltran ang notice of assumption kasunod ng suspension order ng Office of the Ombudsman laban kay Acting Mayor Justin Colago.
Nauna nang nasuspinde si Mayor Najie Gapangada kaya muling nagkaroon ng pagbabago sa pamumuno ng lungsod.
Ayon kay Acebedo, uunahin niya ang kapakanan ng mga mamamayan kaysa pulitika habang ginagampanan ang kanyang bagong tungkulin.
Dahil sa bagong pag-upo ni Acebedo bilang Acting Mayor, awtomatikong umaktong Acting Vice Mayor si 2nd Councilor Barbie Diaz alinsunod sa umiiral na patakaran ng DILG.
Nagpatuloy naman ang normal na operasyon ng pamahalaang lungsod habang ipinatutupad ang mga kautusan ng DILG at Office of the Ombudsman.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
