Lumabas na ang final result para sa Primetime Queen of All Time 2026, isang social media poll voting.
Matapos itong magsara ngayong araw, agad na inilabas ng Trending Viral PH sa FB ang listahan ng mga 10 top rankings celebrities para sa award na ito.
Napanatili ni Kim Chiu ang kanyang puwesto mula sa unang botohan, hanggang ngayon.
Number one si Kim na mayroon 540,700 votes. Second naman si Judy Ann Santos sa 370,400 votes. Third si Kathryn Bernardo sa 25,370 votes. Fourth si Jodi Sta. Maria sa 9,150 votes at nasa Fifh rank naman si Angel Locsin sa 3,310 votes.
Mapapansin 170,300 votes ang agwat ni Kim kay Judy Ann, malaki kung tutuusin.
Bagamat milyon ang mga followers ni Marian Rivera at nanatiling may hawak ng korona sa Kamuning bilang Primetime Queen, kulelat naman ito bilang pang sampu sa ranking na nakakuha lang ng 1,090 votes.
Naungusan pa si Marian ni Jennylyn Mercado na pang-siyam sa puwesto, na nakahakot ng 1,790 votes.
Ang pamamayagpag ni Kim sa listahan ay isang maliwanag na resibo kung gaano kalaki ang fan base nito. Kaya naman tagumpay muli ang sanib-puwersa ng KimPaulandia at ng mga solid ni Kim.

Share.
Exit mobile version