Kung si Mommy Min ang masusunod, she wants her daughters to get married at 25.
Her daughter Kathryn has just turned 29, so lampas na.
Ewan nga raw ni Mommy Min kung bakit pabagu-bago ang isip ng anak when it comes to marrying age.
Noong isang araw nga lang daw ay nabanggit ng anak na mag-aasawa ito when she reaches 33.
Pero laging iginigiit ng celebrity mom–the earlier, the better: “May expiration date kasi ang mga babae.
“Ang mga guys, wala!”
If it’s any consolation, ibinida ni Mommy Min na napakarami raw naniningalang-pugad sa kanyang anak.
“Hinahayaan ko lang siyang mamili kung sino sa kanila. Ako, pabulung-bulong lang, ‘Uy, ayoko diyan!’ Basta ang lagi kong sinasabi sa kanya, mag-isip siya 100 times!”
Lalo na raw sa estado ni Kathryn, pakiramdam ni Mommy Min na hinihintay siyang madapa uli sa pag-ibig.