.
Hindi paramihan kundi mga kalidad na batas na mararamdaman ng taumbayan ang nais ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na maipasa.
Ito nabatid kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na magtutungo sa Butuan bukas, July 7, para sa ikalawang bahagi ng LegisHear na sinimulan sa kanyang lalawigan sa Isabela noong nakaraang linggo.
“Ang direksiyon po natin ay simple: unahin ang mga batas na mararamdaman ng tao. Hindi lamang po tayo tumitingin sa dami ng maipapasang batas, kundi sa kalidad at tunay na pakinabang ng mga ito sa ating mga kababayan,” ani Dy.
“Kabilang po rito ang mga panukalang may kaugnayan sa food security, edukasyon, healthcare, digital transformation, public safety, at paglikha ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino,” ayon pa sa lider ng Kamara.
Naniniwala ang mambabatas na maidedeliber ang mga panukalang ito sa lalong madaling pandahin dahil maganda aniya ang ugnayan ng Kamara, Senado at Ehekutibo.
Sa katunayan ay nakipagpulong na si Presidential Legislative Laisson Office (PLLO) Secretary Joey Salceda kay Dy para maipasa sa lalong madaling panahon ang mga priority bills ng Marcos administration.
“Sa Kamara naman po, patuloy nating pinapalakas ang committee system upang mas maging mabilis ngunit masusi ang pagtalakay sa bawat panukala. Mahalaga rin ang maagang konsultasyon sa iba’t ibang sektor upang matugunan agad ang mga isyu bago pa man umabot sa plenaryo,” ani Dy.
Ito aniya ang dahilan kaya inilunsad ng mga ito ang LegisHear upang personal na makausap ang mga tao sa komunidad at malaman ang mga batas na kailangang maipasa agad sa Kongreso.
===
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
