Hindi inalintana ang malakas na buhos ng ulan na nagresulta sa pagbaha, inihatid sa huling hantungan ang mga labi ng isang 80-anyos na babae mula sa Barangay Dela Paz, Biñan City, Laguna nitong Linggo, Agosto 9, 2026.
Sa ulat, bagama’t makikitang lubog sa baha ang bahagi ng daanan patungo sa lugar ng libing, kinailangan ng mga nakipaglibing na gumamit ng improvised na bangka na gawa sa styrofoam upang maitawid ang kabaong.
Maingat na isinakay sa naturang improvised boat ang kabaong at itinulak o hinila ito hanggang sa marating ang bahagi ng lugar na mababaw na ang baha at maaari nang daanan ng sasakyan at karo.
Habang isinasagawa ang pagtawid, naglakad naman ang mga kaanak at iba pang nakipaglibing sa baha habang sama-samang binubuhat at itinutulak ang kabaong.
Pinasalamatan naman ng mga kaanak ng inilibing ang kapitan ng barangay na si Randy Laviña dahil sa anila’y pagtulong nito sa kanila.
Samantala, nagkansela na ng klase ang ilan sa mga lugar sa Luzon para sa Lunes, Agosto 10, dahil sa inaasahang patuloy ba sama ng panahon dahil sa habagat.
=====
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
