Si Jonas Ruga Magpantay ang naging huling Pilipinong nakatayo sa Qatar World Cup 10-Ball matapos bumagsak ang iba pang mga Pilipino, kabilang si Jerico Bonus, na parang mga domino sa kanilang Last 8 matches noong Sabado sa Ezdan Palace sa Doha, Qatar.
Tinalo ni Magpantay si Wojciech Szewczyk ng Poland, 11-5, sa last 16 bago niya ginapi si Niels Feijen ng Netherlands, 11-7, sa last 8.
Haharapin ng residente ng Barangay Kaunlaran, Cubao, Quezon City na si Magpantay ang mananalo sa laban sa pagitan ni Moritz Neuhausen ng Germany at Bader Alawadhi ng Kuwait.
Tinalo ni Bonus ang kababayan niyang si Johann Chua, 11-9, sa isang tensyonadong all-Filipino clash sa last 16 ngunit natalo kay Szymon Kural ng Poland sa quarter final round.
“Tuloy ang laban para sa karangalan. Mula sa 128 sa pinakamagagaling sa mundo, ngayon nasa Final 4 na.
Si Jonas Magpantay na lang ang natitirang Pilipino sa Qatar World Cup 10 Ball 2025 na kumakatawan sa ating bandila nang may puso at pagpapakumbaba. Patuloy nating suportahan at ipagdasal siya habang tinutulak niya ang kanyang sarili patungo sa finish line,” pahayag ni Imee Magpantay-Balida na nakabase sa Doha, Qatar sa kanyang Facebook account, nakakatandang kapatid ni Jonas.
Ang Qatar Billiards and Snooker Federation ang nag-organisa nito at sinangayunan ng World Pool Association, nag-aalok ng kabuuang pot prize na US$450,000 kung saan makukuha ng kampeon ang pinakamalaking bahagi na US$100,000.
Ang runner-up ay makakakuha ng US$40,000, habang ang mga semi-finalist ay makakatanggap ng US$15,000, ang mga quarter-finalist ay mag-uuwi ng US$8,000.
Ang mga natalo sa last 16, last 32, last 64 at last 96 ay uuwing walang dala maliban sa garantisadong US$5,000, US$4,000, US$3,000, at US$1,500, ayon sa pagkakasunod.(Marlon Bernardino)
Trending
- Typhoon Ada, walang pasok ngayon
- Mga Kaso ni Zaldy Co hiwa-hiwalay lilitisin ng Sandiganbayan
- CIVIL-MILITARY JUNTA : IBINUNYAG NI LACSON
- All-Japan : Nikoy Lining pasok sa Round of 32
- All-Japan : NikoyLining pasok sa Round of 32
- ICC : HATOL KAY DIGONG SA NOB. 28, 2025
- BERSAMIN; PANGANDAMAN OUT; RECTO, TOLEDO IN
- Kaso ni Digong sa ICC nakasalalak
