For the record ay napawalang-bisa na ang kasal nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson.
Si Pampi ay anak ng dating senador na si Panfilo “Ping” Lacson.
Jodi bore a single son by Pampi, si Thirdy.
As we all know, ang Starstruck alumna na si Iwa Moto ang karelasyon ngayon ni Pampi.
It took all of 13 years bago na-annul ang kasal nina Jodi at Pampi.
Sa tagal nga ng proseso, ipinaubaya na ni Jodi sa Itaas ang magiging desisyon.
And when the annulment finally came, feeling ni Jodi ay taste of freedom ‘yon.
Hindi na nga kasi siya umaasa na bababa noon ang desisyon.
Legally, Jodi is single now. And ready to mingle.
Ganoon nga ba?
Is the actress looking for a man she’ll marry?
Tahasang sabi ni Jodi: “If it happens, it happens. But I’m not looking for it!”
Hindi nga lang naitanong ang kasalukuyang estado ng kanyang puso.
Ang huli pa kasing nalaman natin tungkol sa kanyang lovelife, she and Raymart Santiago were playing beautiful music together.
Hindi nga ba’t umabot pa na muntik na silang magkaroon ng isyu ni Claudine Barretto, dating karelasyon ni Raymart?
Sa ngayon kasi’y hindi pa annuled ang kasal nina Claudine at Raymart.
Bukod dito ay may usaping pananalapi pang involved.
While all this doesn’t concern Jodi at all, mukhang malabong she’ll end up marrying Raymart.
Kaya siguro, hindi na umaasa ang aktres.

Share.
Exit mobile version