Sinuspinde ng Land Transportation Office-Western Visayas (LTO-6) ang lisensya ng tsuper ng viral na pampasaherong jeep na nakuhanan ng video habang may mga pasaherong nakasakay sa bubong at nakakapit sa likuran at gilid ng sasakyan sa Iloilo.
Ayon sa LTO-6, ipinataw ang 90-day preventive suspension habang nagpapatuloy ang administratibong imbestigasyon matapos makita sa viral video ang pampasaherong jeep na bumibiyahe mula Pavia People’s Terminal sa Ungka, Pavia patungong Inca, Lambunao, Iloilo.
Kasabay nito, naglabas din ang LTO-6 Intelligence and Investigation Unit (IIU) ng show cause order laban sa operator ng naturang jeep.
Sa paunang imbestigasyon, lumabas din umanong walang valid conductor’s license ang konduktor ng naturang unit.
Ayon sa LTO-6, posibleng lumabag ang driver at operator sa Republic Act No. 4136, na nagbabawal sa pagsakay ng mga pasahero sa bubong, labas o likuran ng umaandar na sasakyan, gayundin sa Joint Administrative Order No. 2014-01 kaugnay ng ligtas na operasyon ng mga pampasaherong sasakyan.
Muli ring nagbabala ang ahensya na mahigpit na sundin ang Fleet Management System (FMS) para sa mga pampublikong sasakyan sa ilalim ng Public Transport Modernization Program.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
