CAMANAVA NGAYON–Timbog ang limang katao kabilang ang 17-anyos na binatilyo na sangkot umano sa droga sa magkahiwalay na anti-illegal gambling at drug operation ng pulisya sa Valenzuela City.Sa ulat, alas-7:15 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ni Valenzuela police Acting Chief P/Col. Joseph Talento ang tawag mula sa isang concerned citizen na may nagaganap na illegal drug transaksyon sa Batimana Compound, Brgy. Marulas.Naabutan ng mga tauhan ng Marulas Police Sub-Station 3 ang dalawang lalaki na nagta-transaksyon umano ng ilegal na droga subalit, nagawang makatakas ang isa habang naaresto nila si alyas “Jay”, 26, at nakuha sa kanya ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu at P200 cash.Dakong alas-7:50 naman ng gabi nang maaktuhan ng mga tauhan ng Dalandanan Police Sub-Station 6 ang tatlong kelot kabilang ang isang binatilyo na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ sa Pantaleon St., Brgy., Malanday.
Nasamsam sa mga suspek ang bet money, tatlong peso coins ‘pangara’ at dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha sa binatilyo.Sa Brgy. Karuhatan, naaktuhan naman ng mga tauhan ng SS9 ang dalawang lalaki na nag-aabutan umano ng droga sa Pagrigal Extention dakong alas-8:20 ng gabi.
Gayunman, nakatakas umano ang isa habang nagawang maaresto si alyas “Cris”, 26, at nakuha sa kanya ang dalawang plastic sachets ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana. (Roger Panizal)
Trending
- Bacolod Masskara Chess sa Oktubre
- Dableo squad naghari Inter-Barangay Chess
- ILLEGAL GAMBLING, DRUGS :LIMA NALAMBAT
- PADUA HARI SA MARIKINA RAPID CHESS
- Alex Eala angat sa mundo
- NAVOTAS, ABOITIZ, DENR PARA SA REHABILITASYON NG ILOG
- NHA BENEFICIARIES LAS PIÑAS INAYUDAHAN
- PARAÑAQUE:TRANSPARENCY SA BUDGET ISINULONG