Isiniwalat ni Senador Erwin Tulfo na may ilang lokal na politiko na nagmamay-ari ng electric cooperatives ang hindi nagbabayad ng kanilang nakonsumong kuryente.
Ginawa ni Tulfo ang pahayag sa pagdinig ng Senate Committee on Energy kung saan ang mga unpaid bill ay kinukonsiderang non-technical losses na sa huli’y ipinapasa sa mga konsyumer.
“Because pag-aaari ng pulitiko, ng governor, ng mayor, congressman… kaya wala nangyayari…kaya pagtiisan na lang natin dahil kay governor yan, kay mayor yan. Iyon ngang ibang pulitiko hindi pag nagbabayad ng kuryente. What in the world is that?… ang pumapasan yung ibang konsyumer,” sabi ni Tulfo, chairman ng komite.
“Nawala ng kita dahil si mayor, si governor hindi nagbabayad, so pasan-pasan ng tao, yun po yung masakit eh,” dagdag niya.
Hindi naman pinangalanan ni Tulfo ang mga lokal na politiko na owner ng mga electric cooperative na hindi nagbabayad ng kanilang buwanang konsumo sa kuryente.
Sinabi naman ni National Electrification Administration (NEA) Administrator Mariano Almeda na nabawasan na umano ang kaso ng mga politikong hindi nagbabayad ng kanilang bill sa kuryente. Sakaling maulit, puputulan din umano niya ng linya ng kuryente ang mga politikong ito.
“Pag maulit ang aking direktiba sa kanila, putulan ninyo. And may mga politiko na pinutulan namin at tatawag po sa akin eh sasabihin ko lang sa politiko, eh wala ho tayong magagawa iyan ang polisiya, nagbabayad naman ho. Yung mga episode na naman ‘yan nabawasan na po,” sabi ni Almeda.
Sinabihan naman ni Tulfo si Tulfo kay Almeda na i-report sa kanya ang mga politikong hindi nagbabayad ng kanilang kuryente at gagawa siya ng kaukulang hakbang laban sa kanila.
“Next time if you encounter that na politician i-report n’yo sa akin, isumbong kay Tulfo and I’ll do something about it,” ani Tulfo.
===

Share.
Exit mobile version