HULK HOGAN: A TRUE CHRISTIAN
www.youtube.com/shorts/igOMYcqvUFs/www.youtube.com/shorts/ma7uROOXy2U/www.youtube.com/shorts/HH8IRaTGIFs/www.youtube.com/shorts/02Vc3T2PVmI/www.linkedin.com/feed/update/urn:li:activity:7357549485108985856/ www.linkedin.com/feed/update/urn:li:activity:7357551549708947458/ www.tiktok.com/tiktokstudio/content
ANG maalamat na si Hulk Hogan ay isang debotong Kristiyano.
Si Terry Bollea, ay lumaki at nagkaisip sa isang Krisyanong tahanan.
Ipinagmamalaki niya na tinanggap niya si
Kristo bilang Tagapagligtas sa edad na 14.
Ang kanyang mga pananampalataya ay nakaugat sa tradisyong Krisyano, na kilala rin sa tawag na Protestante, batay sa kanyang pinagmulan sa Florida.
Noong Disyembre 2023, labing-walong buwan bago siya pumanaw sanhi ng cardiac arrest, muling bininyagan si Hogan sa Indian Rocks Bapst Church sa Florida na kaanib sa Southern Bapst tradion, kaya’t ang huli niyang espiritwal na pagkakakilanlan ay Ebanghelikal .
Inilarawan niya ang pagbinyag bilang:
“Pinakamagandang araw ng aking buhay,” sabay diin sa buong pagsuko at paglilingkod kay Jesus.
Isinisigaw palagi ni Hogan:
“Ngayong ako’y kaisa na ng Diyos, ang tema ng Main Event—pagsuko, paglilingkod, at pag-ibig—ang
siyang nagtatakda sa akin bilang Tunay na Main Event na kayang pabagsakin ang anumang higante sa kapangyarihan ng aking Panginoon at Tagapagligtas.”
Hogan: Ang Alamat
Si Hulk Hogan, na ipinanganak bilang Terry Gene Bollea, ay pumanaw noong Hulyo 24, 2025 sa edad na 71 sa Clearwater, Florida.
Ayon sa ulat ng medikal na tagasuri, ang opisyal na sanhi ng kamatayan ay matinding Atake sa Puso (Acute Myocardial Infarction).
Ito ay isang biglaang pagbara sa daloy ng dugo patungo sa kalamnan ng puso.
Nagkaroon siya ng cardiac arrest sa kanilang tahanan at isinugod sa Morton Plant Hospital, kung saan siya idineklarang patay.
Apektado ang kanyang kalusugan ng
Chronic Lymphocytic Leukemia (CLL)– isang mabagal na uri ng kanser sa puting selula ng dugo at bone marrow.
Mayroon din siyang Atrial Fibrillation: Hindi regular na tibok ng puso na maaaring magdulot ng stroke o heart failure.
Pinaniniwalaang nakadagdag ang mga kondisyong ito sa kanyang atake sa puso.
Kumpirmado ng WWE ang kanyang pagpanaw at nagbigay-pugay sa pamamagitan ng ten-bell salute sa SmackDown, Raw, at NXT.
Iniwan niya ang kanyang asawang si Sky Daily, at mga anak na sina Brooke at Nick Hogan.
Kilala siya bilang isang pandaigdigang alamat na nagtaguyod sa kasikatan ng WWE noong dekada ’80.