Pinayuhan ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang dating kongresistang si Zaldy Co na humingi ng asylum para hindi ito mapauwi sa Pilipinas kung saan nanganganib umano itong mapatay.
Ipinarating ni Roque ang payo kay Co ilang oras matapos itong mag-post sa Facebook page kung tinawag saan tinawag nitong fake news ang pagkadakip sa puganteng dating kongresista.
Sa kanyang post sa Facebook page kagabi, sinabi ni Roque na walang Pinoy na naaresto sa Prague.
“Fake news alert: Zaldy has not been arrested. No Filipino was apprehended in Prague. Bakit Presidente pa ang nagkakalat!”
Nito namang April 18 ng umaga, nagpost si Roque ng video message na may caption na “Ito ang aking legal advice kay Rep. Zaldy Co.”
“Bibigyan kita ng legal advice. Ang ginawa mo na pag-anunsyo na si Marcos Jr. ang nasa taas o mastermind ng pangungurakot pagdating sa flood control funds at saka sa taunang budget ng DPWH ay isang bagay na pupuwedeng magbigay sa iyo ng karapatan na humingi ng asylum
“Unang una ang sinabi mo ay isang krimen at ikaw ay isang whistleblower. Whistleblower dahil nalalaman mo ang detalye ng ginagawa ni Marcos Jr. at ng kanyang pinsan na si tambaloslos pandarambong ng kaban ng bayan dahil ay naging chairperson ng committee on appropriations at ikaw din ay malapit na malapit na kaalyado ni Speaker dahil siya ay pinsang buo ni Marcos Jr. ikaw din ay naging katiwala ni Marcos Jr.,” ayon kay Roque.
Dagdag pa ni Roque na tanging si Zaldy Co lamang ang nagbigay ng testimonya na direktang nag-aakusa kay Marcos.
“Dahil dyan ikaw ay tinatawag na whistleblower. Bagamat wala tayong batas na nagbibigay ng proteksyon sa whistleblower sa Pilipinas pag ito namang pagiging whistleblower mo ay magiging banta sa iyong buhay yan ay basehan para ikaw ay humingi ng asylum,” ani Roque.
Binalaan pa ni Roque si Co na maari itong magaya kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na pinatay pag-uwi ng Pilipinas.
“Dahil pag ikaw ay pinauwi sa Pilipinas sigurado ako napakalaki ng pagkakataon mo na mani-Ninoy ka. Papatayin ka nila dahil ikaw talaga ang kaisa-isahang tao na tumestigo na ang presidente ang siyang nasa ulo, siya ang mastermind ng kabalastugan pagdating sa pangungurakot sa pondo ng bayan,” ayon pa kay Roque.

Share.
Exit mobile version