Gregg Popovich tigil na sa pagiging coach

Hindi na magiging head coach ng San Antonio Spurs si Gregg Popovich.

Ayon sa ESPN, na-promote si Popovich bilang team president ng koponan kaya naman hindi na ito magiging coach.

Bilang coach, si Popovich ay mayroong 1,422 na regular season na panalo at limang NBA championships.
Si Popovich ay head coach na ng Spurs mula pa noong 1996.

Matatandaang bago malipat sa bagong pwesto, noong Nobyembre 2024 ay na-stroke si Popovich at magmula noon ay hindi na ito nakabalik sa bench.

Share.
Exit mobile version