Sinaksak ng isang Grade 11 student sa leeg at tiyan ang isang mas batang kaklase manang magtalo sa loob ng campus ng Buayan National High School sa Purok 1, Barangay Buayan, General Santos City nitong Lunes ng umaga, Setyembre 7.
Agad na isinugod sa ospital ng mga guro at mga opisyal ng barangay ang 15-anyos na biktima, isang Grade 8 student, para malapatan ng lunas.
Ayon sa mga opisyal ng paaralan, ang 18-anyos na Grade 11 student, sinaksak ang biktima sa leeg at gitnang bahagi ng katawan gamit ang kutsilyo. Napasuko ang suspek ng mga security guard at guro sa loob ng campus ng BNHS at kalaunan itinurn-over sa mga tauhan ng General Santos City Police Office na rumesponde sa insidente.
Sinabi ng mga opisyal ng lokal na pulisya at ng Police Regional Office 12, na nakabase sa General Santos City, na sinabi ng mga kaklase ng biktima sa mga imbestigador na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at ang suspek tungkol sa isang bagay, na nauwi sa madugong insidente.
Nagpadala naman ang pamahalaang lungsod ng General Santos ng mga social worker at psychologist upang magkahiwalay na tumulong sa Grade 8 student na nasugatan sa insidente at sa pagbabantay at pagtulong sa kanyang umano’y nanaksak, na kasalukuyang nasa magkasanib na kustodiya ng mga guro ng BNHS at pulisya.
