Nagsampa ng reklamo ang GMA Network sa mga executives ng TAPE (Television And Productions Exponents), Inc., ang producer ng defunct noontime show na Tahanang Pinakamasaya sa GMA-7 ng estafa case laban sa mga namumuno rito.
Ang TAPE ay pagmamay-ari nina Romeo Jalosjos Sr. at Tony Tuviera. at sila rin ang dating producer ng Eat Bulaga!, na napunta na sa pagmamay-ari ng original hosts nitong sina Senator-elect Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, ang trio na kilala rin bilang TVJ.
Napanood ang dating Eat Bulaga! sa bakuran ng Kapuso network sa loob ng halos 30 taon, mula 1995 hanggang 2024.
Nagsimula namang umere ang Tahanang Pinakamasaya sa GMA-7 mula January 6, 2024 hanggang March 2, 2024.
Ayon sa inilabas na pahayag ng GMA Network,
kasama sa sinampahan nila ng reklamo ang TAPE executives na sina Romeo Jalosjos Jr. (former president and CEO), Romeo Jalosjos Sr. (chairman of the board), Seth Frederick “Bullet” Jalosjos (treasurer), Malou Choa-Fagar (former COO and current president and CEO), Michaela Magtoto (former senior vice-president for finance), at Zenaida Buenavista (finance consultant).
Inhain ang reklamo sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City.
Nag-ugat ang reklamo ng GMA Network sa pagkabigo ng respondents na i-remit umano ang nakolekta nilang advertising revenues mula sa kanilang mga kliyente na base sa kanilang kontrata ay dapat mapunta sa network sa ilalim ng “2023 Assignment Agreement.”
Sa halip, ginamit umano ang nasabing halaga para sa “operational expenses” ng TAPE.
Bahagi ng pahayag ng GMA: “Despite multiple formal demands, the funds were not transferred to GMA because they were instead used for TAPE’s operational expenses, in violation of the trust arrangement outlined in the agreement.
“GMA Network is pursuing legal action to hold the responsible officers accountable and to recover the misappropriated amount.”
Ayon sa reklamo,may malaki raw pagkakautang ang TAPE sa GMA-7.
Hindi malinaw kung kasama ang nabanggit na halos PHP38 million advertising revenues sa utang ng TAPE sa GMA na umabot
na raw sa PHP800 million.
Ayon sa ulat ng PEP, malaki pa ang bayarin ng TAPE sa GMA-7 at pati sa suppliers.
Kaya hinala ng Pep, nung panahon pa ng Eat Bulaga! with the TVJ at legit Dabarkads naipon ang pagkakautang sa GMA-7 at sa ilang suppliers na nagkapatong-patong na lang daw.
Sabi naman daw ng Pep..Ph source, hindi naman daw aabot sa ganung halaga kung sa revamped Eat Bulaga! na naging Tahanang Pinakamasaya ang utang na yun.
Wala pang inilabas na pahayag ang pamunuan ng TAPE, Inc. ukol sa reklamong estafa ng Kapuso network.

Share.
Exit mobile version