Tinalo ng Barangay Ginebra ang Rain or Shine, 109-101, sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup Semifinals sa Mall of Asia Arena upang itabla ang laro sa 1-1.
Nanguna si Justin Brownlee na may 31 points, habang nag-ambag sina RJ Abarrientos at Japeth Aguilar para mapanatili ang kalamangan ng Gin Kings.
Sa huling quarter, humabol ang Rain or Shine mula sa 98-78 na lamang ng Ginebra at nakalapit sa 101-97 matapos ang 19-3 run may 1:37 na lang. Gayunman, hindi na sila naka abante.
Para sa Rain or Shine Elasto Painters, nanguna si Adrian Nocum na may 20 points, habang tig-19 puntos sina Jhonard Clarito at import na si Jaylen Johnson.
Sa panalo, muling naging dikit ang serye at inaasahang magiging mas matindi ang Game 3.
Trending
- Ginebra, tinabla ang semis nang talunin ang Rain or Shine
- Thunder, pinadapa ang Spurs sa Game 3 ng western Conference Finals
- Cristine Reyes engaged na sa dating NYC chairperson
- Ruffa Gutierrez pahinga muna sa dyowa
- Beauty queen duguan ang mukha nang atakihin ng stylist sa Cannes Film Festival
- Eala at Tjen nagdala ng ‘pagmamalaki’ sa Timog-Silangang Asya sa Roland Garros
- PSC at Lungsod ng Maynila, nananatiling magkaisa sa muling pagpapaunlad ng Rizal Memorial
- BINI pinarangalan sa Kamara
