Patay ang isang babae nang barilin sa ulo ng kanyang live-in partner kasunod ng mainitang pagtatalo sa Barangay Labut, Badoc, Ilocos Norte, Boyernes ng madaling araw, Agosto 21, 2026.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon umano ng matinding pagtatalo ang biktima at suspek. 

Kalaunan, nilapitan umano ng suspek ang babae  sa ulo.

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang suspek at nagtungo sa hindi pa matukoy na direksyon.

Nagsagawa naman ang mga awtoridad ng dragnet at seal-off operations upang mahanap at maaresto ang suspek. 

Isinailalim din sa imbestigasyon ang pinangyarihan ng insidente, katuwang ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at Explosive Ordnance Disposal (EOD).

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang buong motibo sa krimen at makumpirma ang pagkakakilanlan ng biktima, gayundin ang kinaroroonan ng suspek.

Share.
Exit mobile version