Sinabi ng Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Martes, Agosto 4, na wala silang impormasyong nagpapatunay na naaresto si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Inilabas ng mga ahensya ang pahayag kasunod ng mga usap-usapan nitong Martes ng hapon na naaresto na ang dating hepe ng Philippine National Police.
“We cannot confirm that information, at least not yet. Wala pa po kami natatanggap na nangyari ‘yan. ‘Yan lang po masasabi ko ngayon,” ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez.
Naglabas ang International Criminal Court ng warrant of arrest laban kay Dela Rosa kaugnay ng kasong crimes against humanity na kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa tribunal sa The Hague.
Itinuturing na umano’y magkatuwang sina Duterte at Dela Rosa sa mga kasong crimes against humanity of murder at attempted murder na may kaugnayan sa mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs ni Duterte noong siya ay pangulo at alkalde ng Davao City.
Trending
- Sotto ‘di kasama sa Asian Games sa Japan
- Jordan Clarkson proud pa rin kay Alex: “Queen Eala forever!”
- Dominican Republic wagi bilang Miss World 2026
- Lotlot de Leon ipinagpapasa-Diyos ang sigalot nila ni Ian
- Misis ni Baron Geisler may cryptic post
- SINUNTOK,MISIS DEDO KAY MISTER
- DAYA SA CASINO: 6 “GUILTY”
- TRUMP:$5,000 SA SENIORS
