Inihayag ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, Abril 5, na nakapagtala na sila ng 1,091 road crash accidents ngayong Semana Santa.
Ayon kay DOH Spokesperson Albert Domingo, naitala ang bilang mula Linggo ng Palaspas, Marso 29, hanggang Huwebes Santo, Abril 2. Mas mataas ito ng 150% kumpara sa 436 aksidente na naitala sa parehong panahon noong 2025.
“Hindi ibig sabihin na ito’y mas rumarami. Baka marami, mas nagre-report ‘yung mga hospital… ang importante nagkakaroon ng pananaw. Nakikita natin ‘yung mga dapat iwasan,” ani Domingo.
Pinakamarami aniya ang naitala sa Central Luzon na may 196, na sinundan ng Davao Region na may 161 at Ilocos Region na may 159. Karamihan umano sa mga biktima ay mga lalaki at mga edad 20 hanggang 24 anyos.
Malaki rin umanong bilang ng mga biktima na hindi gumagamit ng anumang safety gear (944), mga nakamotorsiklo (783), mga taong lasing (118), at mga pedestrian.
Ani Domingo, mananatiling naka-standby ang mga ospital para sa anumang insidente kahit matapos ang itinaas na Code White mula Marso 30 hanggang Abril 6.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman
