Dahil uso pa rin sa mga eskuwelahan na hindi pagmamartsahin ang kanilang mga estudyante na may utang pa sa kanilang mga tuition fee, naghain ng panukala si Parañaque 2nd District Congressman Brian Yamsuan na ipagbawal na ito nang tuluyan.
Sa House Bill (HB) 8618 na ihinain ni Yamsuan, nais nitong masiguro na lahat ng mga estudyante ay makapagmartsa sa graduation kahit may utang pa ang mga ito upang maiselebra nila ang kanilang pagtatapos.
“Ang edukasyon ang siyang tumatayong pag-asa para sa maraming naghihikahos na pamilyang Pilipino. Kaya naman maraming magulang ang nagsasakripisyo para lamang matiyak na maka-graduate ang kanilang mga anak,” ani Yamsuan.
“In preserving the significance of a graduation ceremony, we recognize the perseverance not only of our students but also of the families that have placed their hope in education. That hope, on the sole account of poverty or economic hardships, should not be taken away,” dagdag pa ng mambabatas.
Dahil dito, kailangang tapusin na ang gawain ng mga eskuwelahan na hindi pinayagan ang kanilang mga graduating students na sumali sa graduation march na may utang ang mga ito o hindi nabayarang atraso sa institusyon.
Ipapatupad ito sa lahat ng public at private basic education school, higher education institution at technical-vocational institutions.
Upang maipatupad aniya ito nang maayos, maglalabas ang local government unit (LGU) o regional officer ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng sertipikasyon ng listahan ng mga estudyanteng mahihirap na naging dahilan kaya hindi kaagad nakapagbayad ang mga ito ng kanilang tuition fees.
“For many students and their parents, a graduation ceremony is more than just a formal rite. It is the most tangible symbol of a hope fulfilled. Barring them from taking part in graduation or commencement exercises solely due to unpaid obligations deny them the opportunity to witness, with dignity, the fruits of their sacrifices,” paliwanag ni Yamsuan.
Upang masiguro na hindi naman dehado ang mga eskuwelahan, bibigyan ang mga ito ng kapangyarihan na huwag irelease ang diploma at iba pang academic documents ng nagtapos na estudyante hangga’t hindi pa ito nababayaran ang kaniyang obligasyon.
Trending
- Malnutrition sa mga bata pipigilan ng NEDAC
- Madriaga ‘di na ipapatawag ng Kamara
- ‘Di pagpapamartsa sa graduation dahil may utang ipagbawal
- Toll discount sa mga pribadong sasakyan iminungkahi
- Defensor kinumpirmang ‘plan B’ si Baste Duterte sa 2028 elections
- Suplay ng langis extended sa 64 araw
- Price cap sa imported na bigas ngayon Abril
- Jake Paul balik sa boxing
