Idineklarang bird flu-free ang Davao del Sur, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. nitong Martes.
Sa isang pahayag, sinabi ni Tiu Laurel na mahalaga ang deklarasyong ito sa pagpapatibay ng food security at pagpapanatili ng matatag na suplay.
“Declaring Davao del Sur avian influenza-free is not just a technical milestone – it is a critical step in securing our food supply, restoring investor confidence, and protecting the livelihoods of our poultry farmers,” anang kalihim.
Ayon pa sa kalihim, inaasahang makatutulong ang isang ligtas at disease-free na kapaligiran upang maibalik ang kumpiyansa ng merkado, mapatatag ang supply chain, at mapabuti ang kita ng mga poultry farmer.
“A stable, disease-free environment encourages investments, supports job creation across the value chain, and ultimately ensures better and more reliable income for our farmers,” dagdag pa ni Tiu Laurel.
Naunang naitala sa isang backyard duck farm sa Magsaysay, Davao del Sur ang kaso ng highly pathogenic avian influenza (HPAI) Subtype H5 noong Nobyembre 2025, na agad tinugunan ng lokal at pambansang awtoridad.
Kabilang sa isinagawang mga hakbang ang mabilisang depopulation ng mga apektadong ibon, disinfection, movement controls, at pinaigting na surveillance.

Share.
Exit mobile version