Trinabaho ni Diego Manuel Dario ang 13 points at 6 rebounds sa pabibong sabak para languin ng Quezon Huskers ang Batangas City Tanduay Rum Masters, 70-46, sa MP 1xBet 7th Maharlika Pilipinas Basketball League 2025 regular season game sa Batangas City Coliseum nitong Miyerkoles ng gabi.
Naging ika-10 koponan ang Huskers na may magarang binyag sa bagong taon ng liga samantalang ang Rum Masters nahanay sa gayung dami rinmg bangungot ang panimulan kampanya sapol nang magbukas ang torneo noong Sabado (Mar. 8).
Umayuda kay Dario ng tig-9 pts sina Judel Ric Fuentes at Ximone Sandagon sa 30-team men’s cagefest.
Sa tindi ng depensa ng vising team, walang nakatapos na dobleng pigura para sa host squad, na ang mga halos pumalag ay ang combined 17 markers na nina John Ambulodto (9) at Philip Paniamogan (8).
Nagsalansan naman si Val Acuna ng 21 pts. para timbugin ng South Cotabato Warriors (1-0) ang 73-58 win kontra Marlins (0-1).
====