Ginulat ni Cristine Reyes ang mga kasama sa showbiz industry at ilang netizen nang ibalandra hindi lang kanyang current boyfriend kundi ang engagement nila.
Nakaposte sa IG ni Cristine ang unang larawan nito na kasama ang fiance niyang si Gio Tingson habang nasa ibang bansa.
Hindi lang dyowa reveal ang ginawa ng aktres sa kanyang love life kundi inanunsiyo na rin niya ang pagiging engaged sa former National Youth Commission (NYC) chairperson.
Malinaw ang rebelasyon ni Cristine sa kanyang post at sa parehong post ni Gio.
Ipinakita mismo ni Cristine ang suot nyang singsing sa isang shot habang nakangiti.
Lagi rin silang magkasama ng lalake at magkahawak kamay pa.
Hindi malinaw kung dito nag-propose si Gio ng engagement kay Cristine, o dito lang inanunsyo ng aktres ang kanyang romantic-status.
Mistulang pre-nuptial shoot na rin ang ginawa ng dalawa para sa kasal.
Mababasa sa caption ng post ni Cristine ang pagkumpirma niya sa engagement dahil nilagyan niya ng singsing icon ang kanyang mensahe.
Sabi pa ni Cristine, “Every timeline led here. endgame unlocked.”
Ilan sa mga kaibigan nito sa showbiz ang natuwa, na-excite at bumati, katulad nina Alessandra De Rossi, Karel Marquez, Phoebe Walker, Keifer Ravena at maraming netizen.
Ilan rin sa comments ang nagpangalan kay Gio.
Samantala, si Ian Buen isang celebrity portrait photographer ang kumuha ng larawan kina Cristine at sa nasabing fiance.
Ito rin ang kumuha ng video ng aktres sa dagat.
Trending
- Ginebra, tinabla ang semis nang talunin ang Rain or Shine
- Thunder, pinadapa ang Spurs sa Game 3 ng western Conference Finals
- Cristine Reyes engaged na sa dating NYC chairperson
- Ruffa Gutierrez pahinga muna sa dyowa
- Beauty queen duguan ang mukha nang atakihin ng stylist sa Cannes Film Festival
- Eala at Tjen nagdala ng ‘pagmamalaki’ sa Timog-Silangang Asya sa Roland Garros
- PSC at Lungsod ng Maynila, nananatiling magkaisa sa muling pagpapaunlad ng Rizal Memorial
- BINI pinarangalan sa Kamara
