Tuloy-tuloy pa rin ang ginagawa paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Ito ay sa kabila ng isinusulong na pagpapaliban muli ng BSKE election ng ilang mga mambabatas na nakatakdang idaos sana sa Nobyembre 2, 2026.
Pero sinabi ni Comelec Chairman Erwin George Garcia na susundin nila ang anumang ipag-uutos sa kanila ng Kongreso.
Sinabi ni Garcia na batay sa naunang desisyon ng Korte Suprema noong ipinagpaliban ang naturang eleksyon ay nakasaad na kinakailangang may legitimate government interest.
Naniniwala si Garcia na ang krisis na nararanasan ngayon ng Pilipinas na hindi naman natin kagagawan ay isang lehitimong government interest, lalo pa na naghihirap ang karamihan sa mga Pinoy dahil sa gyera sa Middle East.
Ang pagpapaliban aniya ng halalan ay kapangyarihan at absolute discretion ng kongreso kaya hindi maaaring makialam ang Comelec.
Ayon pa kay Garcia, pwedeng magbigay ng suhestyon o rekomendasyon ang Comelec pero sa bandang huli ay Kongreso lang ang may desisyon kung kailan o dapat bang ipagpaliban ang isang halalan.

Share.
Exit mobile version