Ibinunyag ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na inalok siyang maging bahagi ng isang “civil-military junta.” Ayon sa kanya, ilang retiradong opisyal ng militar ang lumapit at nag-alok na isama siya sa naturang “junta” o “council,” ngunit hindi niya ito pinagbigyan.
Ipinaliwanag ni Lacson na ang mga mungkahing gaya ng junta, “transition council,” o isang military-backed “reset” ay labag sa batas at sa 1987 Konstitusyon. Dagdag pa niya, bagama’t makatwiran ang galit ng publiko laban sa katiwalian, hindi dapat isakripisyo ang mga prosesong konstitusyonal.
Binanggit din niya na walang mabuting maidudulot ang isang interbensyong militar, at mariin niyang tinanggihan ang mga panukalang ito.
