Arestado ang isang lalaki nang sunod-sunod na saktan ang dalawang taong gulang na anak sa harap ng Plaza Hernandez.
Nahuli sa CCTV ang insidente kung saan makikitang paulit-ulit na sinapak ng ama ang bata habang karga niya ito, at tila inihagis pa sa loob ng tricycle.
Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, nadakip ang suspek sa kanilang bahay sa Barangay 107.
Ayon sa ulat, may hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa, at napagbalingan ng galit ng ama ang kanilang anak. Inamin din ng suspek na nakainom siya nang maganap ang pananakit.
Kasalukuyang nagpapagaling ang bata matapos magtamo ng mga pasa sa mukha. Nakadetine na ang suspek at mahaharap sa kasong child abuse.
Trending
- Typhoon Ada, walang pasok ngayon
- Mga Kaso ni Zaldy Co hiwa-hiwalay lilitisin ng Sandiganbayan
- CIVIL-MILITARY JUNTA : IBINUNYAG NI LACSON
- All-Japan : Nikoy Lining pasok sa Round of 32
- All-Japan : NikoyLining pasok sa Round of 32
- ICC : HATOL KAY DIGONG SA NOB. 28, 2025
- BERSAMIN; PANGANDAMAN OUT; RECTO, TOLEDO IN
- Kaso ni Digong sa ICC nakasalalak
