Itinaas na bilang diyosesis ang Apostolic Vicariate of Calapan.
Itinalaga rin ni Pope Leo XIV ang kasalukuyang apostolic vicar nito na si Moises Cuevas, 52, bilang unang obispo, ayon sa ulat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) News.
Inanunsyo ito sa Vatican noong Miyerkules, Marso 25, alas-12 ng tanghali (alas-7 ng gabi sa Maynila).
Pinamunuan ni Cuevas ang lugar mula pa noong Setyembre 2023 at siya ang pinakabatang obispo sa Pilipinas.
Ang bagong diyosesis ay binubuo ng 41 parokya at nagpapatakbo ng tatlong seminaryo at 14 paaralan na nagsisilbi sa mahigit 11,000 estudyante sa buong lalawigan.
Mayroon din itong tahanan para sa mga matatanda—ang nag-iisang ganitong pasilidad sa rehiyong Mimaropa—bukod sa iba’t ibang gawaing panlipunan at pastoral.
Ang diyosesis ay may 60 paring diyosesis na pawang lokal, limang misyonerong Society of the Divine Word na tumutulong sa mga parokya, at 57 seminarista na nasa pagsasanay.
Noong Hulyo 2025, inaprubahan ng CBCP ang pag-endorso sa petisyon ni Cuevas para gawing diyosesis ang Calapan.
Itinatag ang lugar bilang Apostolic Prefecture of Mindoro at nanatili ito nang 15 taon bago naging apostolic vicariate noong 1951.
Inaprubahan ito ng Vatican kasabay ng pagdiriwang ng Calapan ng ika-75 anibersaryo nito bilang apostolic vicariate ngayong taon.
Trending
- ‘Walang foul play!’ : 15-anyos natagpuang nakabigti sa puno
- Calapan, ganap ng diyosesis
- Kotseng nagpa-gas, nag-1-2-3
- Drug den binuwag sa Nueva Vizcaya: 3 timbog
- Kotseng nagpa-gas, nag-1-2-3
- ‘Wag gagawa ng pamilya ‘pag walang pera – Vice Ganda
- Traffic volume sa EDSA bumaba ng 8%
- Kim Chiu nangunguna sa ‘Primetime Queen of All Time 2026’
