Pinuri ng Department of Tourism (DOT) ang BINI at si Sophia Laforteza ng Katseye matapos nilang iangat ang bandila ng Pilipinas sa Coachella Valley Music and Arts Festival.
Ayon sa DOT, isang mahalagang milestone ito para sa Filipino talent sa global stage. Binati ng ahensya ang mga artista sa kanilang pagganap sa isa sa pinakasikat na music festivals sa mundo.
“The Department of Tourism (DOT) proudly congratulates P-Pop sensation BINI and Sophia Laforteza of Katseye for raising the Philippine flag on one of the world’s most iconic stages—Coachella,” saad ng DOT.
Binigyang-diin din na gumawa ng kasaysayan ang BINI bilang kauna-unahang Filipino act na nagtanghal sa Coachella, kung saan nag-perform sila ng 45-minutong set na may 10 kanta at umani ng pandaigdigang atensyon.
“As the first Filipino act to perform at Coachella, BINI delivered an electrifying 45-minute, 10-song set that drew global attention…” dagdag pa nito.
Ayon pa sa ahensya, nagbigay ng karangalan at saya sa mga Pilipino sa buong mundo ang kanilang performances, at ipinakita ang talento, kultura, at identidad ng bansa.
Ipinahayag din ng DOT na inaasahan pa nila ang mas maraming tagumpay ng mga Filipino artists sa international stage at ang inspirasyon nito sa susunod na henerasyon.
Trending
- Pacquiao sa rematch kay Mayweather: ‘The fight is on’
- UST men wins UP para manatili sa pag-asam ng twice-to-beat bonus
- BINI, Sophia Laforteza pinuri ng DOT sa pagtatanghal sa Coachella
- Piolo Pascual na-trauma nang hipuan ng faney
- Bimby, may natitipuhang bebot
- House impeachment hearings tatapusin sa Abril 29
- Comelec: Preparasyon para sa BSKE, tuloy pa rin
- PBBM tiniyak: Zaldy Co nasa kustodiya ng Czech Republic
