Nagbahagi ng nakakagulat na video ang isang beauty queen mula Venezuela, kung saan makikita ang dugong umaagos sa kanyang mukha nang atakihin siya ng kanyang celebrity stylist sa isang hotel room sa Cannes Film Festival.
Kinilala ang biktima na si Andrea del Val, 29, Miss Venezuela 2025, na nagsabing ang umano’y sumalakay sa kanya ay ang stylist na si Giovanni Laguna, 33, sa loob ng kanilang tinutuluyang hotel room.
Sa viral video, makikita si Del Val na duguan habang sa likuran niya ang suspek na nasa sofa.
“Look, this is what Giovanni Laguna did,” ani Del Val sa naturang footage.
“Congratulations, Giovanni, this is what I wanted, for you to show who you were,” dagdag niya.
Pagkatapos ay inilibot niya ang camera sa paligid ng kuwarto para ipakita ang magulong silid pati na ang mga muwebles na nakakalat sa sahig.
Ayon sa mga ulat, tumawag sa pulisya ang iba pang bisita sa hotel matapos makarinig ng sigawan at komosyon.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad at umano’y inaresto si Laguna sa mismong hotel. Dinala naman sa ospital si Del Val.
Hindi pa batid ang eksaktong sanhi ng alitan at hindi pa naglalabas ng detalyadong pahayag ang mga awtoridad ng France tungkol sa kaso.
Hindi pa rin malinaw kung anong mga kasong maaaring kaharapin ni Giovanni kasunod ng kanyang pagkakaaresto.
Trending
- Ginebra, tinabla ang semis nang talunin ang Rain or Shine
- Thunder, pinadapa ang Spurs sa Game 3 ng western Conference Finals
- Cristine Reyes engaged na sa dating NYC chairperson
- Ruffa Gutierrez pahinga muna sa dyowa
- Beauty queen duguan ang mukha nang atakihin ng stylist sa Cannes Film Festival
- Eala at Tjen nagdala ng ‘pagmamalaki’ sa Timog-Silangang Asya sa Roland Garros
- PSC at Lungsod ng Maynila, nananatiling magkaisa sa muling pagpapaunlad ng Rizal Memorial
- BINI pinarangalan sa Kamara
