PINIRMAHAN  na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagpapaliban sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa December one, 2025.

 Sa ilalim ng bagong batas, gaganapin na ang halalan sa unang Lunes ng November  2026 na papatak sa November two.

Pinalawig  mula sa dating tatlong taon, magiging apat  na taon na ang termino ng mga opisyal ng barangay at SK.

Binigyan ng prayoridad  ang BARMM Elections upang ituon  ang pansin sa unang halalan ng Bangsamoro Parliament sa October 2025, isang mahalagang hakbang sa kapayapaan.

Ayon sa Korte Suprema, labag sa Konstitusyon ang pagpapaikli ng termino ng mga halal na opisyal.

Sa halip, pinalawig ang termino upang maiwasan ang paglabag.

Pero, tutol pa rin ang ilang grupo tulad ng NAMFREL at mga legal expert.

Sinasabing malapit ang bagong petsa sa Araw ng mga Kaluluwa, na maaaring makaapekto sa turnout ng mga botante.

 

www.youtube.com/shorts/shRqjA320aE?si=rH9fOd_Lk5anCkuK

www.youtube.com/shorts/F15jwQtVm3o?si=nDFWPsa2V6ZhIyfF

www.youtube.com/shorts/3_kEifa5_Qo?si=e4I4F-DjG54jQmT

www.youtube.com/shorts/D6Q5ij3y4a4

www.youtube.com/shorts/U5Bl_oy7gsM

 

www.tiktok.com/@dannyambrocio7/video/7538441323674750226

www.linkedin.com/feed/update/urn:li:activity:7361761696438198277/

Share.
Exit mobile version