May katotohanan kaya ang tsikang hiwalayan blues nina Gerald Anderson at Julia Barretto, huh?
Ito ang obserbasyon ng nga taong nasa paligid nila. Nagkanya-kanya na raw ng lakad ngayon ang dalawa.
Dagdag pa raw ang ginawang pagbura ng dalawa sa mga larawan na magkakasama sila sa Instagram pages nila, huh!
Well, sa totoo lang naman kung ilang beses na rin naman nagkaroon ng isyu na hiwalay na ang dalawa, di ba?
Pero ang ending nagkaayos din naman at na-patch up nila ang hidwaan.
Ayon pa sa source namin ay iba na raw ang sitwasyon ngayon nina Gerald at Julia.
Mukhang malalim raw ang pinag-ugatan ng tampuhan at maaring humantong na raw sa tuluyang paghihiwalay, huh!
Pero sa mga nakausap naming taga-showbiz ay maaring gumagawa lang daw ng ingay sina Gerald at Julia, huh!
Hindi na raw kasi gaanong hot topic ang dalawa, huh!

Share.
Exit mobile version