Pinaulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang bahay ng isang barangay chairman sa bayan ng Victoria, Laguna, Linggo ng madaling-araw, Abril 5.
Ayon sa report ng Victoria police, 4:00 ng madaling araw nang paulanan ng putok ang harap ng tahanan ng Kapitan na si Francisco Isko Agonia sa Barangay Masapang.
Sa kabila ng insidente, himalang nakaligtas ang kapitan at ang kanyang buong pamilya at walang sinuman ang nasaktan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril ang mga residente bago tuluyang tumakas ang mga suspek na sakay ng motorsiklo patungo sa hindi pa matukoy na direksyon.
Sa isinagawang pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives o SOCO, nakarekober ang mga awtoridad ng tinatayang 12 basyo ng kalibre .45 sa lugar ng insidente.
Patuloy pang iniimbestigahan ang motibo ng pamamaril, ngunit hindi isinasantabi ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa pulitika o sa kampanya kontra sa bawal na gamot ng barangay chairman.
Nagpapatuloy ang manhunt operation laban sa mga hindi pa nakikilalang suspek.
Trending
- Men’s football team ng Iran tiniyak ang pagsali sa FIFA World Cup
- Rematch ni Charly Suarez at Navarrete nakatakda sa Setyembre
- MUP winner, proud sa baba na hawig daw kay Ai Ai
- Rosmar, nabuwisit, rumesbak kay Inah de Belen
- Fans ni Kim, umaalma kay Maja
- LeBron James nagtala ng record
- Khamzat Chimaev haharapin na si Sean Strickland
- Iran kinondena ni Tulfo sa pag-atake sa barko na may Pinoy seaman
