Bumigay ang isang bahagi ng EDSA-Ayala Forbes Park Wall northbound nitong Sabado, Agosto 8.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong alas-8:55 ng gabi nang maitala ang pagbagsak ng pader.
Dalawang linya umano ang naapektuhan ng insidente.
Nasa lugar na ang response at clearing team ng MMDA, kasama ang mga traffic enforcer, upang pamahalaan ang daloy ng trapiko.
Nakikipag-ugnayan din ang ahensya sa lokal na pamahalaan ng Makati City para sa agarang paglilinis at pag-alis ng mga debris mula sa bumigay na pader.
Pinayuhan ni MMDA General Manager Nicolas Torre III ang mga motorista na magdahan-dahan at mag-ingat sa pagdaan sa lugar, at asahan ang posibleng pagbagal ng trapiko habang isinasagawa ang clearing operations.
====

Share.
Exit mobile version