LIMA  pang katao ang nasawi at apat ang nananatiling nawawala sa magkakahiwalay na insidente sa Gitnang Luzon matapos ang ilang araw ng walang tigil na Habagat na nagdulot ng pagbaha, landslide, at malalakas na agos ng tubig.

Gayunman, Isang buntis na ginang ang payapang nanganganak sa loob ng police mobile car sa gitna ng pagbaha sa Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling araw, Agosto 30.

Sa ulat mula kay PLt. Colonel Melvin M Florida Jr, hepe ng Meycauayan City Police Station, na ipinadala kay PColonel Jay Baybayan, acting provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (BUL PPO), bandang ala-1:00 ng madaling araw, habang nagsasagawa ng traffic assistance at monitoring ang tauhan ng pulisya sa mga lugar na naapektuhan ng baha sa Barangay Banga, Meycauayan City ay nilapitan sila ng isang lalaki na humihingi ng tulong para sa buntis na asawa, na malapit nang manganak. 

Dahil sa mataas na tubig baha at kawalan ng magagamit na transportasyon, agad na isinakay ng mga rumespondeng pulis ang buntis at ang kanyang mister sakay ng police mobile car para dalhin sa ospital.

Gayunpaman, habang papunta sa ospital ang grupo ay nag-labor na ang ginang at hindi na niya napigilang manganak. 

Agad na tinulungan ng mga rumespondeng pulis, kasama ang mister, ang ina hanggang sa ligtas niyang naipanganak ang kanyang sanggol sa loob police mobile car at ligtas na maihatid sa ospital.

Samantala, hindi bababa sa lima pang katao ang nasawi at apat ang nananatiling nawawala sa magkakahiwalay na insidente sa Gitnang Luzon matapos ang ilang araw ng walang tigil na Habagat na nagdulot ng pagbaha, landslide, at malalakas na agos ng tubig. Umabot na sa 16 ang kabuuang bilang ng nasawi sa loob lamang ng isang linggo.

Natagpuan ang bangkay ng buntis na Aeta na si Arryn Paanan Liwanag, 26, sa Mapanuepe Lake, San Marcelino nitong Linggo, apat na araw matapos tumaob ang bangka ng 13 Aeta.

Kabuuang 9 ang nasawi sa insidente, habang apat ang nakaligtas.

Dalawang bata — Chandnea Serrano Dela Cruz, 3 at Anqelito Serrano Liwanag, 8 — natagpuan noong Sabado.

Dalawang lalaki rin ang nalunod sa magkahiwalay na insidente sa Zambales.

Dalawang manggagawa ang namatay nang matabunan sa landslide sa Tipo High-Tech Park, Subic Bay Freeport nitong Sabado.

Natagpuan ang bangkay ng 3-taong gulang na batang lalaki sa Subic Bay Boardwalk nitong Linggo, matapos tangayin ng baha sa Old Cabalan.

Higit 16,000 residente ng Zambales at Olongapo ang lumikas mula sa kanilang binahang tahanan.

Pampanga:

Si Reiner Novero, 25, nalunod matapos mahulog sa binahang kanal sa Angeles City; natagpuan ang bangkay 2 km downstream.

Isang 70-taong gulang na Aeta ang namatay sa landslide sa Porac nitong Biyernes.

Binaha ang 317 sa 505 barangay ng Pampanga, umabot sa 2.74 metro (9 talampakan) ang tubig sa mabababang lugar.

Sa Tarlac City: Apat ang nawawala matapos mahulog ang isang SUV sa ilog nang bumagsak ang Agana Bridge nitong Sabado ng gabi.

Nailigtas si Nathaniel Dion, 20, habang patuloy ang paghahanap sa apat pang nawawala.

Ang Agana Bridge ay nagsilbing alternatibong ruta matapos bumagsak ang Aquino Bridge noong Biyernes sa gitna ng malakas na ulan.(Danilo Gravador)

 

 

Share.
Exit mobile version