BACKFLOOD , HIGH TIDE
https://youtube.com/shorts/zloCGQ1dimk?si=6yTP93Kul6kuNj7g

BIGLANG bumaha sa Bulacan dahil sa backflood ang mula sa Pampanga, Nueva Ecija, at Tarlac, kasabay ng high tide mula sa Manila Bay.
Hanggang kahapon ng umaga (Sabado), 139 barangay sa siyam na bayan at dalawang lungsod ng lalawigan ang lumubog sa baha mula kalahating talampakan hanggang anim na talampakan ang lalim.
Tanging ang bayan ng Plaridel ang hindi naapektuhan ng high tide at backflood.
Ayon kay Manuel Lukban Jr., opisyal ng PDRRMO, “Kumakalat ang tubig ng backflood na bumababa kapag hindi nakakalabas dahil sa high tide ng Manila Bay.”
Iniulat din ng PDRRMO na isang lalaki mula sa bayan ng Calumpit ang nalunod habang nangingisda noong Biyernes ng hapon, na siya na ngayong ika-anim na nasawi na kaugnay ng pagbaha sa Bulacan.

Share.
Exit mobile version