Sinasadya bang talaga ni Angel Locsin na huwag makunan ng litrato, pero sa anong dahilan?
Sa latest Instagram post ni Dimples Romana, marami ang nasabik na masulyapan man lang ang photo ni Angel, her best friend.
Paano ba naman kasi, featured doon ang ani Dimples “the men and boys we are proud of.”
It was supposed to be a gathering of two families–pamilya ni Angel kung saan nasa photo ang asawa niyang si Neil Arce and the inactive actress’ stepson Joaquin.
Plus ‘yung sa side ni Dimples with her husband Boyet and their youngest child Alonzo.
Pinusuan ni Angel ang naturang IG post ng BFF, to which nag-reply ang isang netizen with a heart emoji sabay comment ng: “We miss you na, Ms. Gel…resurface ka na!”
Duda ng mga netizens, iniwasan ni Angel na sumama sa photo.
Ni hindi man lang siya nahagip ng camera nang bahagya.
Trending
- Ateneo , nag-sorry sa pamilya ng nasawing athletes
- Cebu City napiling host ng FIBA Women’s Asia Cup 2027, official logo inilabas na
- Pagkilala kina Eala, Obiena, at Yulo, inihain sa Senado
- Suntay, Topacio masisibak sa pagka-abogado sa Anne Curtis ‘nag-init’ isyu
- Resto inireklamo sa ‘dog meat’ menu
- Drug dealer patay sa police ops
- 2 stude sugatan sa rambulan
- Tennis academy itatayo sa CamSur Uptown
