Isang insidente na kinasasangkutan umano ng ilang American soldier at personnel ng PHIVIDEC ang ipina-blotter sa Tagoloan Municipal Police Station sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Batay sa extract from the police blotter na may petsang Agosto 19, 2026, isang insidente ng “Attempted Entry into Company Premises” ang ini-report ng isang security guard ng San Jia Company na matatagpuan sa Zone 1, Nabulod Baluarte, Tagoloan, Misamis Oriental.
Ayon sa police blotter, bandang 11:05 ng umaga noong Agosto 19, personal na nagtungo sa himpilan ng pulisya si Jermie Espartero, 43-anyos, may asawa at security guard ng San Jia Company, upang iparekord ang insidenteng umano’y nangyari habang ginagampanan niya ang kanyang tungkulin sa kompanya.
Ayon sa complainant, bandang 10:12 ng umaga nang ilang American soldiers kasama ang personnel ng PHIVIDEC, ay umano’y nagtangkang pumasok sa compound ng San Jia Company.
Sinabi umano ng mga ito na layunin nilang magsagawa ng inspeksiyon sa site.
Gayunman, ayon sa security guard, nagdulot umano ng pangamba sa mga tauhan ng kompanya ang kanilang presensiya at ang planong inspeksiyon.
Dagdag nito, may Philippine Army personnel na noon ay naka-duty sa loob ng company premises. Hindi umano pinayagang makapasok ang grupo dahil nabigo silang magpakita ng kinakailangang permit o authorization para sa isasagawang inspeksiyon.
Dahil dito, hiniling ng complainant na maidokumento sa police blotter ang naturang insidente para sa record at future reference.
===

Share.
Exit mobile version