Ang alamat ng bilyar sa Pilipinas na si Antonio “Nikoy” Lining ay nakapasok sa Round of 32 ng All Japan Championships 2025 matapos magtamo ng kapansin-pansing panalo na 10-8 laban sa Hapones na si Yukio Akagariyama.
Ang kakaibang panalo ng batikang manlalaro ng bilyar mula sa Oriental, Mindoro ay naganap noong Last 64 ng palaro noong Biyernes, Nobyembre 21, 2025 sa Archaic Hall, Syowa-dori, Lungsod ng Amagasaki sa Hyogo, Japan.
Nananatiling buhay din sina Warren Kiamco at Kyle Amoroto matapos talunin ang kani-kanilang kalaban sa Last 64. Tinalo ni Kiamco si Wu Ku-Lin ng Chinese-Taipei, 10-8, habang tinagumpay ni Amoroto si Tadaoimi Kimoto ng Japan, 10-7.
Gayunpaman, talo si Roel Esquillo kay -Chang Sheng Yi ng Chinese-Taipei, 10-2. (Marlon Bernardino)
