Arestado ang walong indibiduwal matapos umanong mahulihan ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong June 11.
Sa ulat ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, ikinasa ang operasyon sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Unit 7:00 ng gabi sa Brgy. Gaya-gaya.
Ayon sa ulat, nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng walong suspek nang magbenta ang isa rito ng isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang P500 sa undercover.police operative.
Sa isinagawang body search, nakumpiska sa mga suspek na nasa lugar ang karagdagang 10 sachets ng hinihinalang shabu, cut-open sachet na may hinihinalang shabu, glass pipe na may residue.dalawang disposble lighter, wallet, buy-bust money at magnum cal .22 revolver na kargado ng dalawang bala.
Sinasabing ang kabuuang nakumpiskang hinihinalang shabu ay
nasa 35 gramo at may standard drug price na P238,000.00..
Dinala ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Bulacan Provincial Forensic Unit at SJDM Satellite Forensic Unit para sa laboratory examination habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito.
Trending
- Ateneo , nag-sorry sa pamilya ng nasawing athletes
- Cebu City napiling host ng FIBA Women’s Asia Cup 2027, official logo inilabas na
- Pagkilala kina Eala, Obiena, at Yulo, inihain sa Senado
- Suntay, Topacio masisibak sa pagka-abogado sa Anne Curtis ‘nag-init’ isyu
- Resto inireklamo sa ‘dog meat’ menu
- Drug dealer patay sa police ops
- 2 stude sugatan sa rambulan
- Tennis academy itatayo sa CamSur Uptown
