Naisugod sa mga hospital ang pitong mga mag-aaral ng Sunshine College sa Barangay Tamontaka 2 sa Cotabato City ng magkasunod na nag-collapse sa kalagitnaan ng kanilang school activities nitong gabi ng Martes, August 11, 2026.
Ayon sa mga school officials, nawalan ng malay ang mga estudyante matapos ang ilang mga activities at fireworks sa kanilang campus kaugnay ng selebrasyon ng founding anniversary ng kanilang paaralan.
Agad silang dinala ng mga barangay officials at mga emergency responders ng Cotabato City local government unit sa mga hospital upang malapatan ng lunas.
Ayon sa mga barangay officials sa Tamontaka 2 at mga guro sa Sunshine College, ilang araw ng may mga activities sa naturang paaralan bilang highlights ng anniversary celebration kaugnay ng pagkakatatag nito ilang taon pa lang ang nakakalipas.
Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng barangay government ng Tamontaka 2 at Cotabato City Health Office hinggil sa sunod-sunod na pag-collapse ng mga estudyanteng kasalukuyang ginagamot na isa mga hospital sa lungsod.

Share.
Exit mobile version